𝐓𝐚𝐫𝐚 𝐧𝐚 𝐬𝐚 𝐈𝐥𝐨𝐜𝐨𝐬!

Maraming lugar ang maaring bisitahin sa Ilocos Sur, kagaya na lamang ng: Calle Crisologo, Pagudpud Saud White Beach, Bangui Windmill Farm, Hidden Garden, Paoay Church, Baluarte, Patapat Viaduct, Bantay Church, Cape Bojeador Lighthouse, kilala rin bilang Burgos Lighthouse, ilan lamang iyan sa mga lugar na maaring bisitahin sa Ilocos.

Ang pagpunta sa Ilocos ay parang pagbisita sa nakaraan. Ang Ilocos rin ay mayaman sa ginto, at nasabing ang mga Hapon at Tsina ay napupunta sa nasabing lugar upang makipagpalitan ng kuwintas, keramika at sutla.

Maraming tanawin ang maaaring makita sa Ilocos ngunit isa sa pinaka magandang lugar na maaring puntahan dito ay ang Calle Crisologo na nasa sentro ng bayan ng Vigan. Napanatili ng Vigan ang halimbawa na binalak na bayan ng Espanya sa bansa ng Asya.

Napapalibutan ng dagat ang Ilocos kung kaya naman maraming negosyante ang nagpagawa ng resort sa Ilocos. Mayroon ring resort kung saan libre ito sa publiko.

Kilala rin ang Ilocos dahil na rin sa Windmill farm nito dahil eto ay ang pangunahing pinagkukuhanan ng enerhiya sa Ilocos. Mayroon nang 20 turbines windmill sa Ilocos. At ang mga windmill na ito ay nakaharap sa dagat.

May mga lokol at magagandang lugar din na maaring puntahan sa Ilocos at isa na dito ang Hidden Garden na matatagpuan sa Vigan sa may Katipunan Strret. Makikita dito ang iba’t – ibang uri ng halaman at tinatampok rin dito ang mga lokal na pagkain na nagmula sa Ilocos.

Ang Paoay church ay matagal nang simbahan sa Ilocos na natapo noong 1710 ito ay kilala dahil sa kakaibang disenyso at kulay nito. Ito ay makikita sa Ilocos Norte.

Baluarte isang lugar sa Ilocos kung saan ipinapakita ang mga hayop at ang malawak na rantso at may malalaking rebulto ng mga dinosaur.

Published by cculala04

12STEM4 STUDENT

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started